Paalam.

Madaming bagay ang pwedeng makapagpaalala sa akin

Kung anong mayroon tayo noon at kung anong wala na tayo ngayon

Sa bawat pagkakataon, pangyayari, at oras na dumaan

Mas nakikita at mas lumilinaw na hindi ka na nga pala akin.

 

Madaming bagay ang pwedeng makapagpaalala sa akin

Kung paano ka ngumiti sa tuwing nagkikita tayo

Kung paano ka malungkot sa tuwing pauwi na ako

Ngayon sigurado na akong hindi ka na talaga akin.

 

Sigurado na nga ako, pero bakit? Bakit sa kabila ng kasiguraduhan ko

Naandon ang pagiisip na baka pwede pa.

Na baka sa bawat mensahe at pagkamusta, ay meron pa.

Na ang libro na akala ko’y tapos na ay nagsisimula palang sa susunod na pahina.

 

Umaasa pa nga ba ako? Kahit na alam kong wala na?

Sabihin mo nga, ano na nga ba talaga?

Wag mo na sagutin, kasi alam ko na. Oo. Alam ko na.

Alam ko na sa kabila ng pagasa na meron ako ay pagyakap niya sa iyo.

 

Hayaan mo kong mamaalam ng tama.

Na kahit alam kong wala na, ay heto ako at umaasa

Pero hayaan mo muna akong mamaalam.

Paalam, sa bawat tawa, iyak, ngiti, yakap at halik.

 

Masaya akong iwan kang masaya. Kahit hindi naman talaga ako ang nangiwan.

Masaya akong mamamaalam. Kahit na alam kong ang pagtalikod ko ay walang kapalit na paglingon.

Hindi ko na pwedeng ipagpabukas pa, dahil masakit na, masakit padin hanggang ngayon.

Kaya. Tama na. Alam kong dapat tama na. Paalam na.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s