On CHR and their efforts on EJK and War on Drugs.

Sa loob ng ilang buwan, nakita nating dumami ang mga tao na sobrang interesado sa mga ginagawa ng gobyerno. Halos lahat nanunuod na ng hearing sa senado o sa kongreso patungkol sa droga o yung tinatawag na extra-judicial killings.

Sa mga patayang naganap, tingin ko ba sapat na ang ginagawa ng Commission on Human Rights na effort para makapag bigay sila ng mensahe sa administrasyong Duterte na parang mali na yung ginagawa nila? Sa aking opinyon, isa itong problema noon pa na sobrang nabigyang pansin nung iba na ang presidente. Hindi lang naman sa laban sa droga merong extra-judicial killings at malamang malaking porsyento ng mga pinatay ay pinatay lamang ng kapwa nila druglords.

Sapat na ba yung ginagawa ng CHR? Pwedeng Oo at pwede ring Hindi. Pwedeng Oo sapagkat nakaka-alarma ang dami ng pinapatay araw araw ngunit alam naman ng lahat na noon pa man ay marami ng napapatay at marami ng biktima ng human rights violation doon papasok ang Pwedeng hindi sapat ang kanilang ginagawa dahil kahit na marami ang namamatay baka masyado lang nilang nasisi ang pulis at administrasyon dahil sa mandato ng presidente laban sa droga baka nakakalimutan na nila na baka sila sila rin ang nagpapatayan. Pero kung sa pagbibigay ng mensahe na anjan sila para mprotektahan ang karapatang pantao, naibigay nila yun.

May mas maganda bang solusyon para dito? Meron. Laging mayroong mas magandang solusyon. makipagtulungan ang CHR sa PNP. Pareho nilang kalaban ang droga at krimen. Walang may gustong mamatay pero kung tinatawag na ng lahat ito bilang giyera, siguro alam ng lahat na may mamatay. Kailangan lang na una, naipaglaban ng may sala ang karapatan nilang pantao, pangalawa, hindi sila basta basta pinatay lamang. at pangatlo, maging maayos ang komunikasyon ng bawat ahensya ng gobyerno kung paano susugpuin ito.

Hindi pa huli ang lahat.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sayo.

Nasasaktan ako na sa mga dumaang taon, parang wala lang.

Sa dinami-daming nangyari, parang lahat nabaliwala.

Inagos ng panahon at dinurog ng kahapon.

 

Pasensya ka na, na pagkatapos kang gahasain ng mga banyaga

Patuloy ka pa ding pinapatay ng sariling pamilya.

Patawarin mo sana kami. Hindi namin mapanindigan ang panata

Na simula palang nung bata sinaulo na namin sa eskwela.

Patawad dahil nasayang at pilit itong ginagawang katawa-tawa

 

Hayaan mo, may mga taong pilit kang ipaglalaban.

Ipipilit namin ito maging kapalit ay buhay man.

Wag ka munang bumitaw. Habang ang iba ay pilit nabubuhay sa nakaraan.

Hayaan mong igapang natin ang kinabukasan.

 

Patawad ulit sakanila. Pasensya na sakanila. Hindi ka nila nakikitang talaga.

Babangon tayo, wag ka magalala. Hindi masasayang ang pinaglaban nila Rizal, Bonifacio, Luna, at iba pa.

Hindi pa huli ang lahat. Ipapakilala ka namin sa mundo na mayroong dangal

At sa kabila ng lahat, sasabihin naming, Pilipinas kong mahal. 

philippine-flag

 

Sayaw sa langit.

​Sa tuwing pag sapit ng gabi

Hindi mo na maitago ang iyong mga ngiti.

Sa malamig na simoy ng hangin at sa yakap ng suot mong damit na tamang tama lang ang sukat para maging kumportable ka sa paglalakad. 
Masaya mong hinihintay.

Nagaabang ka na baka may sumilay. Nang biglang hinampas ka ng kasama mo, “Aray!”.

Ayan na pala. Magsisimula na ang palabas. 
Palabas na kahit maingay ito’y iyong kinasasabikan.

Sa bawat paglabas ng mga kulay asul at luntian.

Nakakamangha. Ang mga paputok na kulay dilaw at pula, na parang nagsasayaw na bituin sa langit. At sa ilang saglit lang ay
Tapos na. Naiwan kang nakangiti sa kawalan. Kahit tapos na ang sampung minuto ng kaingayan, hindi ka man lang sumimangot kahit panandalian. Lumingon ka at nasambit mong “Tapos na, ang mahalaga naging masaya ka, kahit tapos na, alalahanin mo yung saya, kahit tapos na.”