Oras.

Oras. Kung may babaguhin ako sa mundo yun ay ang oras.
Hindi pagmamahal. Hindi pera. Oras.
Mga Oras na sana nakasama pa kita para mas minahal mo ako. Na sana may panahon pa para magdampi ang mga labi natin at maramdaman ang init ng mga yakap mo.
Mga oras na hindi ko ipagkakait kahit na araw araw pa tayong magkita. Hindi ako magsasawa sa mga oras na kasama kita. Lulubus-lubusin ko ang mga oras na ito.
Dahil sa mga oras na to, dun ako masaya. Malaya akong gawin lahat kahit magtatalon at magpagulong gulong sa lupa. Dahil sa mga oras na ito. Ako ay ako. Ikaw ay ikaw. Mayroong tayo. Sa mga oras na to nararamdaman kong buhay ako.
Oras. Oras para mapatunayan kong mahal pa kita. Maibalik lahat ng pagkakamali at mga oras na nasayang noong anjan ka pa. Oras para makabawi man lang. Makabawi sa mga pagkukulang natin sa isa’t isa. Oras para sa ating dalawa.
Oras para masabi ko sayo na mahal padin kita. Para maiparamdam ko ulit ang lahat ng iyon. Oras na alam kong wala na, pero sana meron pa. Sana meron pang oras. Kahit kaunting oras para makapagpaalam. Makapagpasalamat. Makapagpatawad.
Mapagbigyan mo kaya? Ang hinihiling na oras. Huling oras para sa ating dalawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s